Sinibak ng Bureau of Customs (BOC) sa kanyang puwesto ang ama umano ng suspek sa pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University Junior High School nitong Martes, Agosto 18.
Kinumpirma ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno na ang ama umano ng suspek ay district commander ng Port of Zamboanga Enforcement and Security Services.
“Kailangan natin i-relieve kaagad para magkaroon ng impartial investigation kung nagkaroon ba ng negligence ‘yung tauhan namin sa pag-handle ng kanyang baril,” ani Nepomuceno sa phone interview ng mga reporter.
“May accountability kung sino ang inisyuhan ng baril. May mga training kaming binigay sa kanila kung paano nila iingatan ‘yung baril sa opisina, during missions, sa field at sa loob ng bahay nila,” dagdag pa niya.
Ayon sa ulat, isang Grade 9 student ang umano’y namaril sa paaralan nitong Martes ng umaga gamit ang isang pistol at rifle, kung saan iniulat na dalawa ang nasawi. (IS)


