Isang 57-anyos na dating overseas Filipino worker (OFW) ang nasawi matapos pagbabarilin sa loob ng kanyang sasakyan sa Manapla, Negros Occidental.
Kinilala ng Manapla Police ang biktima na si Mauro, may-ari ng isang piggery business.
Ayon sa pulisya, nangyari ang insidente habang pauwi ang biktima kasama ang kanyang asawa matapos dumalo sa isang pista sa Barangay 1-A noong Agosto 23.
Hindi pa umano nakikilalang gunman ang bumaril sa driver’s side, kung nasaan ang dating OFW.
Tinamaan ang biktima sa kaliwang tainga at kalaunan ay idineklarang patay sa ospital, habang hindi nasaktan ang kanyang asawa.
Tatlong basyo ng bala ang narekober sa lugar.
Personal na alitan ang tinitingnang posibleng motibo, habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad. (AM)


