Mga suspek na nanloob sa convenience store timbog dahil sa CCTV

Iprinesenta sa media ang mga lalaking ito na itinuturong suspek sa panloloob at pagnanakaw sa isang convenience store sa Bocobo, Manila. Ayon sa Manila Police District, natangay ng mga suspek ang vault ng tindahan ngunit dahil sa kuha ng CCTV ay agad silang natiklo.


Manila Dolomite Beach binuksan muli sa publiko

Hindi gaanong punuan at siksikan ang Manila Dolomite Beach sa muling pagbubukas nito sa publiko. Para sa mga bisita, kinakailangan lang magdala ng vaccination card, magsuot ng face mask at panatilihin ang social distancing.


Drive-through blessing sa Quiapo Church nagpapatuloy

Pinangunahan ni Minor Basilica of the Black Nazarene (Quiapo Church) Rector, Hernando ‘Ding’ Coronel ang drive-thru blessing ng mga imahe ng replica ng Itim na Nazareno sa labas ng Quiapo Church sa Plaza Miranda ngayong araw.
Nauna nang ipinagpaliban ang aktibidad sa unang bahagi ng taong ito noong Enero dahil sa pandemya.
Ang ‘Traslacion’ ay hindi pa rin magaganap sa Enero 9, 2022 dahil sa pandemya.


Kahit may banta ng Omicron, mga tao dagsa pa rin sa labas

Sa pag-iikot ng ating Abante Photographer, kapansin-pasin pa rin ang dami ng mga tao sa pampublikong lugar at hindi nasusunod ang social distancing tulad ng Luneta Park at Divisoria. Ito ay sa kabila ng banta ng pagkalat ng Omicron Variant ng COVID 19.


MGA SUMALAKAY SA ISANG TRUCK SA CAINTA, ARESTADO

Huli sa video ang pagsalakay ng ilang mga kalalakihan sa isang truck ng mga scrap na metal sa Cainta, Rizal. Ayon kay Mayor Kit Nieto, arestado na ang 7 taong sumalakay sa truck kabilang ang 4 na minor de edad. Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek.


Maggie Wilson may bantang pasabog kay Victor Consunji

Pasabog ang rebelasyon ni Maggie Wilson sa naging karanasan nito sa kakatapos lang na Pasko. At ilan sa mga ito ay ang pagdadamot umano sa kanya ng asawang si Victor Consunji na makasama ang nag-iisa nilang anak na si Connor.


Marcos Jr ‘di sinanto ng millk tea store

Hindi sinanto ng milktea store na “Nak Nam Fu-Cha”si dating senador Bongbong Marcos. Matapos ibida sina Pangulong Duterte at Sen. Bong Go, pinag-tripan naman nila ang political ad ni Marcos.


Bata bawalan mangaroling – Diño

Hindi dapat payagan ng mga magulang na mangaroling ang mga bata na edad 5 hanggang 11. Ayon ito kay Usec. Martin Diño ng Department of Interior and Local Government.


Lacson-Sotto maglalaan ng P1B kada LGU

Tig-P1B pondo sa bawat probinsya. Ayon kina Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo Lacson, mangyayari ito sa ilalim ng kanilang pamumuno ng running mate na si Senate President Tito Sotto.


Marcos Jr baka ilaglag sa Cebu

Kahit pa nangyari ang tagpong ito noong Oktubre kasama mismo ang pinuno ng political party na One Cebu na si Gov. Gwen Garcia, hindi pa rin tiyak na makukuha ni dating senador Ferdinand Marcos Jr. ang suporta ng lalawigan.


Goma isinabak si Lucy sa military training

Nakakita ng isa pang paraan ang mga opisyal ng Ormoc City na magsilbi sa bayan. Isinabak ni Mayor Richard Gomez ang asawang si Leyte Cong. Lucy Torres kasama si Vice Mayor Toto Locsin sa military training.