WebClick Tracer

Shirley Kuan bumuwelta sa paratang na ‘cash cow’ niya si Bea Alonzo

Nagsalita na ang talent manager na si Shirley Kuan tungkol sa mga isyung ibinabato sa kanya kaugnay kay Bea Alonzo.

Sa pakikipag-usap niya sa showbiz press kabilang na si Abante Entertainment Editor Jun Lalin ngayong Lunes, August 24, kinumpirma ni Kuan na wala na sa poder niya si Bea.

Kabilang din sa isyung sinagot ni Kuan ang paratang na “cash cow” niya si Bea.

Aniya, nakakainsulto para sa kanya ang naturang isyu.

“I find that very insulting ha. Parang tingin nila sa akin pulubi, ‘di ba?” ani Kuan.

“Na parang ‘pag wala na si Bea sa akin, magugutom na ako,” dagdag niya.

Sabi pa niya, sa mahigit 30 years niya sa showbiz, hindi siya nangharbat ng pera o nanloko ng artist sa kanilang talent fee.

Giit pa ni Kuan: “I just wanna make this clear, ha. Bea did not make me rich nor will she make me poor.”

Kaya tigilan na raw ang pagsasabing “cash cow” niya si Bea dahil may iba pa siyang alagang malalaking artista.

“So stop calling her my cash cow. I have bigger stars that I’m handling who are busier than her,” sey niya. (IS)