Isang gabi ng world-class na kantahan tampok si Tawag ng Tanghalan Grand Champion Elaine Duran ang gagawing pagsalubong sa “ber” months ng “Sessions With Brian Yamsuan”.
Kilala sa kanyang ginintuang tinig si Duran na tinanghal bilang kauna-unahang Hall of Famer ng Tawag ng Tanghalan dahil sa kanyang sunod-sunod na pagkapanalo sa loob ng 10 araw sa Season 3 ng paligsahan.
Babalikan ni Duran sa episode na ito ang kanyang makasaysayang pagkapanalo at ibabahagi ang mga pangarap at plano para sa mga susunod pa niyang tagumpay sa mundo ng OPM.
Abangan ang kantahan at kuwentuhan sa “Sessions With Brian Yamsuan” ngayong Biyernes, Sept. 4, 10:30 PM sa Bilyonaryo News Channel.
Mapapanood din ito sa Free TV Channel 31, Cignal Channel 24, Converge Channel 74, Skycable Channel 33, Samsung TV Plus, TCL Smart TVs, Cignal Play, at mapapakinggan sa 94.7 FM-Ang Best Friend Mo.


