Nag-panic ang isang online seller matapos biglang pumasok at tumaas ang tubig-baha sa loob ng kanilang bahay sa gitna ng kanyang live selling session.
Habang nagbebenta ng mga sofa bed, biglang napansin ng seller ang pagpasok ng tubig-baha.
Agad niyang tinawag ang kasama niya sa bahay at nagkumahog silang tanggalin sa saksakan ng kuryente ang mga gamit.
Dahil sa matinding takot sa bilis ng pag-akyat ng tubig, maririnig sa video na ibinahagi sa X ng netizen na si @carliyeigh ang paulit-ulit na pagsigaw at paghingi ng tulong ng seller at ng kanyang kasama.
Nairekord din sa huling bahagi ng video ang pag-iyak ng kanyang kasama habang tumatawag sa cellphone upang humingi ng saklolo.
“Pataas po nang pataas ang tubig,” maririnig sa video.
Posted din pala itong moments nong pinasok sila ng baha during live selling nila. 🥹 https://t.co/UKUTdwqHkv pic.twitter.com/6VhFy6DrnV
— 𝒸𝒶𝓇𝓁𝓎 | 📦🍅 (@carliyeigh) September 1, 2026


