Nasangkot sa aksidente ang sasakyan na ibinida ng aktor na si Niño Muhlach sa social media kahapon, Agosto 22.
Ayon sa Facebook post ni Diaz Mascariñas Manuel, nangyari ang aksidente sa Marcos Highway sa Mambugan, Antipolo City ngayong Linggo, Agosto 23.
Sa mga larawan at video na kanyang ibinahagi, makikitang nasa loob pa ng sasakyan si Muhlach matapos pumailalim sa kanyang SUV ang isang motorsiklo.
Makikita rin ang sugatang lalaking rider ng motorsiklo na nakahiga sa gilid ng kalsada.
Noong Agosto 22 lamang nang i-promote ni Muhlach ang naturang puting SUV.
Pinasalamatan ng aktor ang isang kompanya para sa after-care service na ibinibigay nito sa kanilang mga kliyente.
“Truly reliable not only when selling but the after care service they provide! Thanks,” aniya. (IS)



