Gumuho at tinangay ng rumaragasang tubig-baha ang isang bahay sa Barangay Sto. Cristo, Lubao, Pampanga nitong Biyernes, Agosto 28.
Naganap ang insidente bandang 2:30 ng hapon, habang patuloy na nakararanas ng matinding pag-ulan ang lalawigan dulot ng habagat na pinalakas ng low pressure area.
Ayon sa ulat, mabilis na rumagasa ang tubig mula sa Sta. Rita Dam, dahilan upang gumuho ang bahay at tangayin ito ng malakas na agos.
“Lord Jesus Have Mercy on us,” inilagay na caption ng nag-post ng video sa social media na si Rockwell Piñgul De Leon. (IS)


