WebClick Tracer

Ipo Dam magpapakawala ng tubig

Magsasagawa ng spilling operations ang Ipo Dam ng alas-9 ng gabi ngayong Biyernes, Agosto 28 dahil sa patuloy na pagtaas ng lebel ng tubig dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan bunsod ng enhanced southwest monsoon o habagat.

Ayon sa Ipo Dam Spilling Advisory, unang bubuksan ang Radial Gate A ng 15 sentimetro, na katumbas ng tinatayang discharge na 35 cubic meters per second.

Sinabi ng Ipo Dam Management na naabisuhan na ang mga concerned local government unit na magsagawa ng nararapat na hakbang at paghahanda.

Kabilang dito ang mga bayan ng Angat, Bustos, San Rafael, Baliwag, Plaridel, Pulilan, Calumpit, Paombong at Hagonoy, gayundin ang City of Malolos at ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan.

Pinayuhan ang mga residente sa mababang lugar at mga lugar na madaling bahain na manatiling alerto dahil maaaring maapektuhan ng pagtaas ng tubig ang ilang komunidad.

Ang advisory ay inilabas ni OCD Assistant Secretary Bernardo Alejandro IV sa ngalan ng Ipo Dam Management. (IS)