WebClick Tracer

VMX star Lea Bernabe ayaw magkadyowa ng foreigner, takot sa ‘malaki’

Tumodo na sa pagiging mapangahas at palaban ang VMX star na si Lea Bernabe.

Sa kanyang latest movie project na “POV” co-starring si Rhian Rivera, napapahiyaw ang mga media at vlogger na dumalo sa media con at nakapanood ng trailer nang nasabing movie.

Naglalaman kasi ito ng maiinit na eksena nina Lea at Rhian.

Bukod sa mga matitinding laplapan, may dilaan pa silang dalawa ng mga pasas sa isa’t-isa.

Nang matanong kung hindi ba sya nag-alangan sa love scene sa kapwa babae, sumagot naman ito na mas kumportable syang makipagbanatan sa parehong babae kaysa sa lalake.

Sey nga ni Lea sa mga eksena nila ni Rhian, nagtinginan lang silang dalawa at ginawa nila ang daring scenes.

“Wala kaming kundisyon eh, nagkasundo na agad kami. Gawin na natin ‘to para mas maganda.”

Ipinaliwanag naman ni Lea kung saan nanggagaling ang tapang nya sa paghuhubad.

“Kasi dati ayaw nang ganito, may restrictions. Pero lately in-enjoy ko na. Parang sa isip ko tatanda tayo. Inisip ko na rin lang na trabaho ito at minahal ko na rin ang pagiging artist ko. Wala akong pakialam sa kanila or sa kung ano ang iisipin, sasabihin ng iba basta wala akong tinatapakan.”

Bagamat, mahilig mag-travel si Lea iwas raw sya sa mga foreigner. Hindi raw nya gusto magkaroon ng dyowa na lalakeng European, Middleastern o ibang lahi.

“Ayaw ko, hindi ko gusto talaga. Ha? takot ako e. Baka malaki.”

Ang “POV” ay dinirehe ni Carby Salvador na pamangkin ni Maja Salvador. At apo ng veteran actor na si Phillip Salvador. (Rey Pumaloy)