Pinagbigyan ng Sandiganbayan Fifth Division ang mosyon ng Office of the Ombudsman na tanggalin si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan bilang akusado sa mga kaso kaugnay ng umano’y flood control kickback scheme.
Kinumpirma ng prosekusyon na inaprubahan ng anti-graft court ang kanilang mosyon na alisin si Bonoan bilang kapwa akusado ni Senador Jinggoy Estrada sa mga kasong plunder at graft.
Nauna nang sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na hihilingin nilang tanggalin si Bonoan sa mga kaso upang gawin siyang state witness. (IS)


