Kinabahan ang noontime show host na si Vice Ganda nang biglang tumirik ang mga mata ni Anne Curtis habang sinasagot ang kanyang tanong. Mukha raw itong kino-kombulsiyon kaya hindi niya maiwasang matakot kung napaano ito.
“Nagtanggal ka na ba ng libag?” tanong ni Vice Ganda sa kanyang co-host sa segment ng “Miss Q&A” nitong Agosto 27.
“Parang wala pa,” say naman ni Anne, na bago sumagot ay natigilan muna, tumirik ang mata, bago nakasagot.
“Kinumbolsyun ka ba?” agad namang reaksyon ni Vice sa napansin nito.
“Diyos ko, natakot ako sa’yo Anne!” aniya pa, sabay ginaya ang pagtirik ng mata ng aktres.
“Parang I’m trying to go back to my memories. Nagpa-flash back ako! Dinadaanan ko lahat ng memories ko,” paliwanag naman ni Anne kung bakit biglang parang tumirik ang kanyang mga mata habang sumasagot.
“Prinoproseso,” wika naman ni Vhong Navarro. (Jun Lopez)


