Masayang ibinahagi ng aktor na si Smokey Manaloto at ng kanyang partner na si Cassie Brazal ang pagsilang ng kanilang ikalawang anak.
Sa Instagram, nag-post si Cassie ng mga larawan nila ni Smokey habang kasama ang kanilang bagong silang na baby sa ospital.
Ibinahagi rin niya ang mensahe para sa kanilang anak, na matagal umano nilang ipinagdasal at hinintay.
“We prayed for you, waited for you, and dreamed of the day we could finally hold you in our arms,” saad ni Cassie.
Ayon kay Cassie, hindi niya napigilan ang pagluha nang unang marinig ang iyak ng kanilang sanggol.
“The moment I finally heard your first cry, our tears wouldn’t stop.”
Aniya pa, matapos ang mga pinagdaanan niya sa pagbubuntis, sinabi ni Cassie na sulit ang lahat nang sa wakas ay maisilang ang kanilang baby.
Matatandaang naging usap-usapan si Smokey noong 2022 nang ianunsiyo niyang magiging first-time father siya sa edad na 51.
Ipinanganak ang kanyang panganay na si Kiko noong August 4, 2022. (IS)


