WebClick Tracer

Usec basura sa 2 gabinete

Markado ang isang presidential appointee sa Malacañang dahil sa pagiging maldita at palamura sa kanyang mga tauhan.

Alam nyo ba mga utaw na halos ayaw siyang maka-trabaho ng mga kapwa niya opisyal sa Palasyo dahil sa pagiging feeling magaling sa lahat ng bagay.
Magaling siyang pumuna, magaling siyang mag-utos kahit trabaho niya ito at kung sakaling sumablay ay mas magaling din itong mangatwiran at manglaglag ng kanyang tao para makaiwas sa pananagutan.

Dahil medyo may “attitude” itong opisyal ay inayawan siya ng kanyang boss at inilipat sa ibang tanggapan, pero hindi pa nagtatagal ay inayawan na rin siya ng isa pang kalihim .

Ang laki talaga mg tiwala ng opisyal na ito sa kanyang sarili dahil pati sariling boss ay pinagmalakihan kaya naman nawalan ng gana sa kanya ang kalihim.

Kaya naman hindi siya pinapansin ng ibang kasamahang opisyal dahil sa lakas ng apog at fighting spirit nito pero halata namang insecure sa ibang mga opisyal.