Nag-post ang aktor na si Paulo Avelino sa socmed account niya na magpapahinga muna siya sa lahat ng mga proyekto sa showbiz hanggang Marso 2027. May kinakailangan daw kasi siyang asikasuhin muna kaya tila nakahanda na siyang talikuran ang lahat.
Pero bago niyo ito seryosohin, mukhang sarkastiko lang naman niya itong reaksyon mula nang mapanood ang isang palabas sa Netflix na may kaugnayan din sa mga paborito niyang RPG games. Ito nga ay ang Grand Theft Auto (GTA) VI at Path of Exile (PoE) 2 na paparating na ang release date ng bagong mga version.
“To my fans, my kababayan, and everyone I’ve worked with: After a lot of prayer and some hard conversations at home, I’m stepping away from everything effective October 31. The movies, the teleserye, all my endorsements. Everything,” simula ng post ni Paulo nitong Agosto 28.
“GTA 6 is out November 19. PoE 2 hits 1.0 on December 11, and they finally added swords. I watched the Extended Look last night and I have not been okay since,” aniya pa.
Para umano makapaghanda at makapaglaro nito nang tahimik at walang gulo, sa Marso next year na siya magbabalik sa showbiz limelight.
“To my legal counsel, please tell everyone lining up to sue me that I’m available March 2027. I’ll have 100% GTA completion and a build nobody can touch by then. Sue me at my peak.
“Wag niyo ako i tag sa clips. Babalik din ako. Basta. God bless po,” say pa ni Paulo.
Nitong Huwebes nang ipalabas sa Netflix ang “Grand Theft Auto: An Extended Look”. Ganoon na lang siguro ang excitement ni Paulo na makapag-download at makapaglibang-libang sa paglalaro ng mga iyon kaya mas gugustuhin niyang unahin muna na gawin ito.
Pero huwag nga naman masyadong seryosohin, huh! Dahil ang tunay na aalis, hindi naman talaga nagpapaalam, sabi nga nila. (Jun Lopez)


