WebClick Tracer

4 na dekada ng friendship: Ogie Alcasid, Dingdong Avanzado excited na sa senior discount

Samahang pinatibay na ng panahon. Iyan ang naging mensahe ng singer na si Dingdong Avanzado para sa kanyang kaibigan mula pa noong mga teenager pa sila na si Ogie Alcasid, na nagdiwang ng 59th birthday nitong Huwebes.

Sa kanyang Instagram post nitong Agosto 27, binati ni Dingdong si Ogie ng maligayang kaarawan, at nagpakita ng “resibo” ng malalim nilang samahan. Shinare niya ang pictures nila together mula noong mga teenager pa sila hanggang sa edad nila ngayon, na palapit na nga silang maging mga senior citizen.

“42 years and counting. Our friendship goes way beyond showbiz,” caption ni Dingdong sa naturang post.

“From our Kundirana teens era to now about to cross the senior citizen discount line, I can’t help but be sentimental about our journey as friends and brothers.

“I just continue to pray for you and wish you nothing but the best in life. So, I together with my family and our dear friends wish you a Truly HAPPY 59th BIRTHDAY,” pagbati pa ng mister ni Jessa Zaragoza.

Aprub naman kay Ogie ang pa-throwback na iyon ni Dingdong ng kanilang friendship.

“Love you bro [hearts emoji],” komento rito ng mister ni Regine Velasquez.

Si Dingdong ay mas bata lang ng isang taon kay Ogie.

Ang galing lang din na hindi lang sila mga artista, kundi mga hinahangaan pang mga OPM singer ng bansa. Pareho ring mga biritera ang kanilang mga misis, huh!

Patunay na maging sa taste sa love life, iisa ang dinidikta ng puso at isipan nina Ogie at Dingdong, ‘di ba? (Jun Lopez)