WebClick Tracer

Bruno Mars kinasa 2-day concert sa ‘Pinas sa Mayo

Magbabalik sa Pilipinas ang Fil-Am singer na si Bruno Mars bilang parte ng kanyang “The Romantic Tour” concert series. Itinakda ito sa Mayo 2027.

“NEW SHOWS ADDED!!!” post ni Bruno sa kanyang Instagram account nitong Agosto 27.

Base sa concert poster na shinare ng Fil-Am singer, nakatakda siyang mag-concert sa Manila sa darating na Mayo 15-16, 2027.

Expected na kakantahin sa concert ng versatile singer ang kanyang mga bagong kanta, gaya ng “Die With a Smile”, “Risk It All”, “Cha Cha Cha”, at “I Just Might.”

Ilan sa mga notable hit songs ni Bruno ang “It Will Rain”, “Talking to the Moon”, “When I Was Your Man”, “Versace on the Floor”, “Locked Out of Heaven”, “Just the Way You Are”, at “Uptown Funk”.

Malawak ang music genre ni Bruno, na may pop, R&B, funk, soul, reggae at rock. Kaya naman isa siyang superstar sa larangan ng music industry sa duong mundo. (Jun Lopez)