Pinuri ng maraming netizens si Matet de Leon kaugnay sa kuwento nito tungkol sa hindi kanais-nais niyang karanasan sa EDSA.
Ayon kay Matet sa kanyang FB post, nasagi raw diumano ang kanyang sasakyan ng isang bus.
Pero dahil hindi na nito gusto pang magdulot ng abala sa lahat ng motorista at mga bumibiyaheng pasahero kaya pinalampas niya ang aksidente.
“Gusto kong humingi ng pasensya sa mga taong naabala nang panandalian kanina sa may edsa. Nasagi (?) kami ng bus kanina habang nakahinto sa kanto, sa likod ng jeep. Nakakapikon. Pero para maiwasan ang abala sa mga taong pagod na galing trabaho, pinalipas na namin ito.
“Sa’yo naman kuya driver, kung nababasa mo to, ingat na lang sa susunod. Baka next time, maka disgrasya ka na talaga.”
Inamin naman ni Matet na nag-init ang ulo nya sa driver.
“Hindi ako naging mabait sa driver kanina. Pero ang importante, yung mga taong sakay niya at mga mata traffic sa likod eh makauwi na agad. Nagalit ako kuya ng malala. Pero normal lang naman sigurong reaksyon yun lalo na’t kasama namin sa sasakyan ang anak ko. Salamat po.”
Marami sa mga nakabasa ng kuwento ang bumilib sa pagpapakumbaba ni Matet.
“Tama yan Matet good job. If pwede palagpasin gawin mo may peace of mind ka pa po. Tama i inom mo nalang yan. hehehe.”
“Okey ang ginawa mo nagalit ka natural lang sa tao magalit ang nakakatuwa sa iyo bandang huli, ikaw pa ang nag sorr haha tama yan good job. love u matet.”
“Kaya love kita matet kasi mabait na understanding pa. Take care.”
“Maganda yan galing na sau. Wala na magmamaritess ng malng kuwento.” (Rey Pumaloy)


