WebClick Tracer

VIRAL: Tubig sa binyag ng sanggol naghugis rosaryo

Nag-viral ang isang binyag sa Brazil matapos makunan ng larawan ang tubig na ibinuhos sa ulo ng sanggol na tila naghugis rosaryo.

Naganap ang binyag noong Setyembre 21, 2025 sa Saint Anthony Parish sa Pinhalzinho, Santa Catarina, Brazil.

Bininyagan noon ang sanggol na si Baby Vicente Miguel.

Hindi raw peke ang larawan dahil kuha umano ito ng Tropical Fotografias, ang team na regular na naglilitrato sa mga binyag sa Simbahang Katoliko sa Pinhalzinho.

Ayon sa mga ulat, nakita ito nang balikan ng pamilya ang mga litrato habang namimili ng mga ipapa-print.

Dahil sa kakaibang itsura ng tubig sa larawan, mabilis itong kumalat sa social media at umani ng maraming reaksiyon mula sa mga debotong Katoliko.

Para sa ilan, ang pagkakahugis ng rosaryo ay isang magandang simbolo ng pagpapala para sa sanggol.