WebClick Tracer

Ryzza Mae, Mommy Rizza nagulat sa kanilang poster sa Hong Kong

Napa-unli oyster ang Team Ryzza sa kanilang pagbabalik sa sikat na night market sa Temple Street, Hong Kong.

Dahil sa sobrang sarap at pagiging sariwa ng mga giant oyster na nilagyan ng garlic, sili at pampalasa, binabalik-balikan talaga ito ng grupo tuwing bumibisita sila sa lugar.

Ayon kay Ryzza Mae Dizon, isa rin sa dahilan ng kanilang pagbabalik ay dahil gusto nilang malaman kung totoo ang tsika sa kanila ng mga netizen na pina-poster sila ng naturang tindahan.

“Alam n’yo guys ang daming nagta-tag sa amin na kapag pumupunta sila rito sa Temple Street nakikita nila meron kaming parang picture,” ani Ryzza.

“Kaya gusto naming makita talaga Team Ryzza,” sabi naman ng kanyang Mommy Rizza.

Hindi naman nabigo ang mag-ina dahil totoo ngang nakabilad ang kanilang mga larawan sa naturang tindahan at may nakalagay roon na “TEAM RYZZA APPROVED!”

“Uy kilala pa kami ni Madam oh,” sey ni Mommy Rizza. (IS)