Kinaaliwan ng mga netizen ang aktres na si Bea Alonzo matapos ibahagi ang video niya habang sinusubukang magsalita ng wikang Chinese.
Sa kanyang Instagram Story, makikitang kasama ni Bea ang kanyang kaibigan habang nasa biyahe.
Kita ang saya ng aktres habang binibigkas ang ilang salitang Chinese na itinuro sa kanya.
Feel na feel na nga ni Bea ang pagiging Chinese dahil sa napangasawang Filipino-Chinese businessman na si Vincent Co.
“Chinese lessons with Bea Secosana,” sey ni Bea sa caption.
“I butchered it! Sorry na hahaha,” dagdag niya. (IS)


