WebClick Tracer

Cardinal Advincula pangungunahan misa para sa pista ng Immaculate Conception

Pangungunahan ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula ang Fiesta Mass para sa Feast of the Immaculate Conception sa Manila Cathedral sa Intramuros, Maynila sa Lunes, Disyembre 8.

Ayon sa Facebook post ng Minor Basilica, si Cardinal Advincula ang magpe-preside sa 12:10 p.m. eucharistic celebration.

Bukod sa misa ni Cardinal Advincula, magdaraos rin ng iba pang misa sa araw na iyon.

Sa ilalim ng Republic Act No. 10966, ang Disyembre 8 ay idineklarang isang special non-working holiday nationwide bilang paggunita sa okasyon.

Bilang paghahanda sa pista, gaganapin ang Grand Marian Procession sa Intramuros ngayong Linggo, tampok ang iba’t ibang imahen ni Maria mula sa iba’t ibang panig ng bansa. (IS)