Tila hindi lang si Bea Alonzo ang nalungkot sa kanilang pag-alis sa Venice, Italy matapos ang kanilang honeymoon ng mister na si Vincent Co.
Sa kanyang post sa Threads nitong September 11, sinabi ng aktres na bigla kasing naging gloomy o nagdilim sa Venice sa mismong araw ng kanilang pag-uwi.
Makikita sa video na shinare niya ang pag-ambon habang sakay sila ng bangka.
“Of course the day we’re heading home, Venice gets all gloomy. I’m choosing to believe she’s sad to see us go too,” ani Bea.
Matatandaang marami ang kinilig at natuwa sa mga bagong update ni Bea tungkol sa kanyang buhay may-asawa kamakailan, lalo na nang ibahagi niya ang mga larawan at video mula sa kanilang pagbabakasyon sa Venice.
Sa isa sa kanyang mga unang post mula sa Venice, ibinahagi rin ni Bea ang kanyang excitement habang nakasakay sa isang yate.
“First night in Venice and I’m already in love,” saad ng aktres.
“Sunset water taxi, pasta right away, then getting happily lost in the little streets. Such a good start,” dagdag niya. (IS)
View on Threads


