WebClick Tracer

Abante Horoscope | Oktubre 15, 2026 Huwebes

Birthday: JOHN PINTO

LIBRA

(Setyembre 24- Oktubre 23)

May maliit na bagay na biglang magpapagaan sa mood mo. Huwag itong balewalain—good sign iyan. Lucky number for today: 11

SCORPIO

(Oktubre 24 -Nobyembre 22)

May instinct kang dapat pakinggan. Hindi lahat ng sagot kailangang manggaling sa logic. Lucky number for today: 5

SAGITTARIUS

(Nobyembre 23 -Disyembre 21)

May bagay kang matagal nang pinag-iisipan na unti-unting magkakaroon ng malinaw na direksiyon. Lucky number for today: 13

CAPRICORN

(Disyembre 22- Enero 19)

Busy ang isip mo, pero isang simpleng sagot ang magpapatahimik sa maraming tanong. Lucky number for today: 9

AQUARIUS

(Enero 20- Pebrero 18)

May taong nangangailangan ng konting lambing o understanding mula sa’yo. Kahit simpleng message, malaking bagay. Lucky number for today: 3

PISCES

(Pebrero 19 – Marso 20)

May pagkakataong mapansin ka, pero mas magandang hayaan mong trabaho mo ang magsalita. Lucky number for today: 15

ARIES

(Marso 21 – Abril 19)

May maliit na problemang maaayos mo nang mas madali kaysa sa iniisip mo. Lucky number for today: 8

TAURUS

(Abril 20 -Mayo 20)

May choice kang kailangang gawin. Piliin ang magbibigay sa’yo ng peace, hindi lang approval ng iba. Lucky number for today: 1

GEMINI

(Mayo 21 -Hunyo 21)

May bagong idea na magpapagana sa adventurous side mo. Huwag muna itong kontrahin sa “baka hindi puwede.” Lucky number for today: 6

CANCER

(Hunyo 22 -Hulyo 22)

May progress kahit mabagal. Huwag mong maliitin ang mga hakbang na hindi agad napapansin. Lucky number for today: 13

LEO

(Hulyo 23 – Agosto 22)

Huwag agad itapon o balewalain ang kakaiba o weirdo mong idea. Baka iyon mismo ang kailangan mong bagong approach. Lucky number for today: 4

VIRGO

(Agosto 23- Setyembre 23)

Sensitive ang radar mo ngayon. Gamitin ito para makaramdam, hindi para mag-overthink. Lucky number for today: 8