WebClick Tracer

Josh Aquino ipinagtanggol ng malalapit kay Kris

Sumaklolo na rin ang malalapit kay Kris Aquino para supalpalin ang “Machong Chismisan” podcast hosts kaugnay ng panlalait ng mga ito sa panganay na anak ng Queen of All Media.

Bukod sa pinagtawanan, sinabihang “walang kuwenta” ng mga ito si Josh. Dinugtungan pa nila ng mga salitang 3,000 pesos ang baon nito gayong nakatunganga lang ito.

Sa kani-kanilang IG post, dinetalye nina Jack Salvador at Darla Sauler ang mga katangian ni Josh na malayo sa “walang kuwenta” remarks.

Si Jack ang isa sa mga kasa-kasama ni Josh.

Mapapanood sa video post na nasa gitna nang pagsisimba niya si Josh at kumakanta nang nakapikit habang naka-hawak sa kamay ni Jack.

Sabi nga ni Jack, “MAY KUWENTA SI JOSH, AT SOBRANG DAMI.”

“Nakakalungkot lang na may mga taong kayang sabihing “walang kuwenta” ang isang tao dahil lang sa pagiging special nya. Pero alam nyo kung ano ang tunay na walang kuwenta? Ang husgahan ang isang tao nang hindi nakikita ang kagandahan ng kanyang pagkatao..

“Si Kuya Josh ay isang gentle giant, malambing, genuine, mapagmahal, at may pusong hindi kailangang magpanggap para mahalin.

Sinabi pa nitong nangangamusta halos araw-araw sa text si Josh. Linggo-linggo nagsisimba, nagyayayang magdasal at madalas magsabi ng “i love you”.

May resibo ng video kung saan sinasabi nga ni Josh na, “Kuya Jack, I Love You” habang nakangiti.”

Sa IG post naman ni Darla habang nakayakap kay Joshua, ibinida rin nito ang mga katangian ng nasabing panganay ni Kris.

Si Darla ang isa sa pinakamalapit na Ignacia staff kay Kris at sa mga anak nito.

“I love you, Kuya Josh. You are the kindest, most thoughtful, and most generous people i know. Mula pagkabata, witness ako kung paano mo alagaan si Mama (Kris) at si Bimb sa paraang alam mo, at kung paano mo rin alalahanin ang mga tao sa paligid mo.”

Hindi kuntento ang mga netizen sa inilabas na “apology” at official statement ng Chismosong Podcast host.

Mababasa sa comment ng mga ito sa Thread, na dapat rin sampalin ng accountability ang mga ito para maturuan ng leksyon. (Rey Pumaloy)