WebClick Tracer

UST nilampaso FEU sa harap ni Dwyane Wade

Namataan ang NBA Hall of Famer at three-time NBA champion na si Dwyane Wade sa Araneta Coliseum nitong Miyerkoles habang pinapanood ang laban ng UST Growling Tigers at FEU Tamaraws sa men’s basketball tournament ng UAAP Season 89.

Nanood si Wade ng laban ng dalawang koponan, na ikinatuwa ng mga manonood sa loob ng arena.

Ibinahagi ng The Varsitarian ang ilang larawan ni Wade na kuha ni Vio Neiro Villaescusa sa kanilang Facebook page.

Nagpakawala ang UST ng matinding second half upang burahin ang 15-puntos na kalamangan ng FEU at gulatin ang top-seeded, 81-69.

Sa panalong ito, naputol din ng Growling Tigers ang kanilang two-game skid. (Issa Santiago)