Itinuturing ni Palace Press Officer Claire Castro bilang “endorsement” ang pagtawag sa kanya ni Pangulong Bongbong Marcos na “Ante Kler” sa isang media briefing sa Singapore noong nakaraang linggo.
Dahil dito, sinabi ni Castro na maaari na rin siyang tawaging “Ante Kler” ng publiko, kasabay ng pabirong pahayag na naiparehistro na niya ang naturang bansag.
“Pinarehistro ko na. Wala nang makakaagaw ng ‘Ante Kler’,” ani Castro.
Nilinaw naman ng opisyal na hindi niya tinutukoy ang isang political endorsement kundi ang pagsuporta lamang ng Pangulo sa paggamit ng naturang bansag.
“Suporta lang sa pangalang Ante Kler,” aniya. (IS)


