WebClick Tracer

Palag ni Nadine: Hindi nila responsibilidad na ngumiti, batiin ang fans

Nadine Lustre

Sinabi ni Nadine Lustre na hindi nila responsibilidad na batiin o ngitian ang kanilang fans.

Sa gitna ng isyu ng hindi umano pagbati ng volleyball star na si Deanna Wong at ng mga kakampi niya sa mga fan sa Boracay, kumalat sa TikTok ang video ng naging pahayag na ito ni Nadine noong nakaraang taon.

Ani Nadine, ang responsibilidad lang nila sa publiko ay magbigay ng entertainment at hindi raw parte nito ang i-acknowledge at i-please ang fans.

“I was never the type to say hi to everyone or smile. I never had that feeling of responsibility when it comes to saying hi to everyone,” anang aktres tungkol sa isang fan na tinawag siyang suplada.

“It’s not our responsibility to acknowledge everyone and to please everyone. Our responsibility is to give entertainment and that is not part of it,” dagdag ng aktres. (IS)