WebClick Tracer

Albay broadcaster nasawi sa pamamaril

Mga miyembro ng PNP habang nag-iimbestiga sa lugar ng pamamaril sa Albay broadcaster na si Adrian Loterte

Nasawi na ang Albay broadcaster na si Adrian Loterte o mas kilalang “Golden Boy” matapos pagbabarilin sa kanyang panaderya sa Daraga, Albay.

Ayon sa Bicol Police, nangyari ang pamamaril ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek bandang 4:10 ng hapon.

Isinugod naman si Loterte sa Daraga Doctors Hospital ngunit idineklarang patay alas-5:35 ng hapon.

Tumakas ang mga suspek sakay ng itim at puting Honda Click motorcycle patungong Barangay Kimantong.

Bumuo naman ang Police Regional Office 5 ng Special Investigation Task Group upang imbestigahan ang kaso at tugisin ang mga suspek.

Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaril.

Samantala, kinondena naman ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) ang insidente. (AM)