WebClick Tracer

LTFRB: Ride-hailing apps dahilan ng pagdami ng mga colorum na sasakyan

Nagbabala si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Acting Chairman Atty. Greg Pua sa patuloy na pagdami ng mga colorum na sasakyan dahil sa pagtanggap umano ng ilang ride-hailing application ng mga driver na walang sapat na legal na dokumento.

Sa panayam sa programang “The Commanders” ng Abante na simulcast sa Bilyonaryo News Channel, sinabi ni Pua na may ilang ride-hailing app na tumatanggap ng mga driver kahit walang Certificate of Public Convenience o Provisional Authority mula sa LTFRB.

Dahil dito, patuloy umanong nakakabiyahe ang mga driver na walang kaukulang pahintulot at kumikita pa rin sa pamamagitan ng mga nasabing platform.

Palalakasin umano ng LTFRB ang pagbabantay at pagpapatupad ng mga patakaran laban sa mga ride-hailing app at operator na mapapatunayang lumalabag sa batas.

Magpapatupad ang ahensiya ng mas higpit na audit at parusa laban sa mga ride-hailing app na mapapatunayang nagpapalusot at nagpa-onboard ng mga migrant o unregistered unit na walang anumang maayos na permit.

Ayon kay Pua, mahalagang maging responsable ang mga ride-hailing platform at huwag hayaang magamit ang kanilang serbisyo sa pagpapatakbo ng mga colorum na sasakyan.

Panoorin ang buong panayam sa October 12 episode ng “The Commanders” ng Abante at simulcast sa Bilyonaryo News Channel.

Mapapanood ang programa tuwing Lunes hanggang Biyernes, alas-5 ng hapon, sa Free TV Channel 31, Cignal Channel 24, Samsung TV Plus, TCL Smart TVs, Blast TV, AmasianTV at Cignal Play. Gayundin sa YouTube channel at Facebook page ng Abante.