WebClick Tracer

Jinggoy Estrada sinuspinde ng 90 araw ng Sandiganbayan

Sinuspinde ng Sandiganbayan Fifth Division si Senador Jinggoy Estrada sa loob ng 90 araw dahil sa mga kasong kinakaharap nito kaugnay ng flood control scandal.

Sa resolusyon na inilabas ngayong Oktubre 12, ipinag-utos ng korte ang pagsuspinde kay Estrada sa kanyang posisyon bilang senador at sa alinmang pampublikong tanggapan habang umiiral ang naturang utos.

Ipinataw ang preventive suspension matapos resolbahin ng korte ang lahat ng usapin kaugnay ng pagiging balido ng mga impormasyon o paratang laban sa senador.

Kusa namang maaalis ang suspensiyon kapag natapos na ang 90-day period.

Inatasan din ang Senado na ipagbigay-alam sa korte ang kanilang aksiyon sa loob ng limang araw mula sa pagtanggap ng utos. (IS)