51

Oct 17, 2019 @ 23:16
By

Zumba patok sa PSC Laro’t Saya

Pinasalamatan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang iba’t ibang grupo na patuloy na nakikibahagi sa family-oriented at community physical fitness program nitong Laro’t Saya sa Parke, PLAY ‘N LEARN Sports for Free sa iba’t ibang mga parke sa bansa.

Sinabi Huwebes ni PSC Area coordinator Julia ‘Dhole’ Llanto, na ikinatuwa ng ahensiya ang pagpunta ng iba’t ibang grupo ng mga mahihilig sa zumba pati na rin mga kabataan para maki-lawn tennis, futzal, chess, sepak takraw, volleyball, badminton at arnis.

“Marami na ngayon ang nagpupunta sa ating mga venue at madalas na nakikisaya sa atin sa paglalaro ng itinuturong sports. Siyempre, ‘di rin maiiwanan ang paborito nilang zumba,” salaysay ni Llanto, na area coordinator sa Liwasang Bonifacio sa Ermita, Maynila.

Ilan sa mga grupo na madalas na dumadalo ay ang Luneta Za Hataw (Luzhaw), Zumba Ladies, MOA Dabarkads, Zumbuddies, Beauty Queens (BQ), Tropang Pasaway, Sexy Ladies, Luneta Fitness Group, Dance Crewz, iba’t-ibang mga barangay, Caloocan, Laguna, Pasay at Navotas.

Samantala’y umabot sa 717 katao ang nakisali sa aktibidad nitong Sabado at Linggo sa Laro’t-Saya sa Maynila.

May 404 ang dumating nitong Sabado na kinabibilangan ng 17 sa arnis, 6 sa badminton, 50 sa chess, 17 sa futsal, 12 sa sepak takraw, 36 sa taekwondo 259 sa zumba at 7 senior citizen (7) para sa 404.

Nitong Linggo 347 ang pumunta na 8 ang sa arnis, 7 sa badminton, 55 sa chess, 16 sa futsal, 8 sa lawn tennis, 7 sa sepak takraw, 41 sa taekwondo, 13 sa volleyball, 192 sa zumba at 10 senior citizen

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?