36

Nov 12, 2021 @ 18:08
By

Zumba, non-contact sports puwede na

Maaari nang rumampa ang mga mahilig sa Zumba at iba pang non-contact exercise at sport sa ilalim ng Alert Level 2.

Ito ang inanunsiyo ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng go signal na ibinigay ng Inter-Agency Task Force matapos ang ginawang pulong noong Huwebes.

Sinabi ni Roque na ang mga aktibidad na ito ay karaniwang ginagawa sa fitness studio, gym at iba pang sporting area.

“The recommendation to allow group activities for fitness studios, gyms, and venues for non-contact exercise and sports in areas under Alert Level 2 has been approved,” ani Roque.

Ilan sa mga maituturing na non-contact sport ay badminton, tennis, table tennis, golf, bowling, darts, running, track and field, bicycle race, rowing at iba pa.

Samantala, pinayagan na rin ng IATF ang hirit ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA na magsagawa ng limitadong face to face training at assessment program.

Sa gagawing training, puwede na ang mula 50-100 percent venue capacity, subalit kinakailangang sundin pa rin ang minimum public health standards sa mga lugar na nasa Alert Levels 1, 2, 3 at 4.

Ang hindi lamang papayagan sa face to face activities ng TESDA ay sa mga lugar na nasa Alert Level 5.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?