39

Jul 19, 2021 @ 15:25
By

Zubiri tatakbong muli sa 2022

Inanunsyo ni Senador Juan Miguel Zubiri nitong Lunes na muli siyang tatakbo sa pagka-senador sa 2022 bilang isang independent candidate.

“Tumatakbo ko bilang independent but we have an alliance with the administration, supportive naman po tayo sa mga administration programs,” wika ni Zubiri.

Binuking din ni Zubiri, na tumatayong Senate Majority Leader, na tatakbo pa sa susunod na halalan ang ilan niyang kasama sa Senado.

Ayon sa kanya, tatakbong muli sina Senador Win Gatchalian at Joel Villanueva.

Sinabi rin niya na maging sina Deputy Speaker Loren Legarda at Sorsogon Governor Chiz Escudero ay tatakbo rin sa Senado.

Ayon kay Zubiri, susuportahan nila ang isa’t-isa sa darating na halalan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?