12

Oct 17, 2020 @ 14:40
By

Zubiri takot sa pagluwag ng quarantine protocol

Unti-unti nang binabawasan ng gobyerno ang mga restriction sa ika-walong buwan mula nang ipatupad ang community quarantine sa bansa.

Ngunit para kay Senate Majority Leader Miguel Zubiri, hindi pa rin maaalis ang pangamba dahil gumagapang pa rin ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa ‘Pilipinas.

Isa si Zubiri sa mga tinuturing na COVID-19 survivor matapos siyang tamaan ng coronavirus noong Marso.

“Ako patient 142 ako, isa ako sa mga nauna sa lahat ng 300 plus thousand, nakakatakot talaga, ang nakakatakot diyan baka mag-surge mula ang numero natin,” lahad ni Zubiri sa pagluluwag ng gobyerno sa mga nilatag na quarantine measure para makontrol ang pagkalat ng virus.

Hinalintulad din ni Zubiri ang nangyari sa ilang bansa sa Europa na nagkaroon ng ikalawang bugso ng lockdown dahil sa muling pagsirit ng laso.

“Ang numero natin, 2500 a day ang average natin kaya nakakatakot and there’s also surge ang surge sa probinsya na,” saad ni Zubiri. “Nakakatakot mag-fully open tayo ngayon, although naiintindihan ko naman kawawa rin ang ekonomiya.”

Ilang lugar na ang nilagay sa enhanced community quarantine tulad ng Ilagan, Isabela at 32 purok sa Agusan del Sur.

Sa mga nagdaang araw, ilan naman sa mga muling pinayagan ng gobyerno ay ang pagbiyahe patungong ibang bansa, pagpunta mula general community quarantine (GCQ) at modified GCQ area kahit walang travel permit, pagbawas ng distansya sa mga public transportation at pagbabalik ng sabong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?