61

Oct 22, 2017 @ 13:45

Zubiri sa kapwa senador: Pumunta tayo sa Marawi

Hinamon ni Senador Juan Miguel Zubiri ang mga kapwa senador, kasama na ang mga taga-oposisyon, na sama-samang pumunta sa Marawi City.

Ito ay upang personal nilang makita ang pagkawasak ng lungsod at makita nilang pare-pareho ang kahalagahan ng agad na pag-aprub sa badyet na kailangan sa rehabilitasyon at pagbangon ng siyudad.

“Iba ang nakikita natin sa TV, sa newspaper, hindi natin maa-appreciate kung gaano ka-grabe ang destruction kung hindi makikita nang personal,” ayon kay Zubiri,

“I think this is the worst man-made calamity na nangyari sa atin. Ang importante dito paano natin ibabangon ang Marawi,” dagdsg ni Zubiri,

Maari umanong doon na lang sila humingi ngb riefing kina Defense Secretary Delfin Lorenzana at DPWH Secretary Mark Villar ukol sa mga ginagawa para maibangon ang Marawi.

Agad namang tumutol si Senador Gregorio Honasan na chairman ng Senate ad hoc committee rehabilitation and reconstrucion dahil baka maabala lamang sila sa mga sundalo at pulis na nagbabantay sa siyudad.

“With all due respect to Senator Zubiri, mabait at masipag yan, pero baka makaabala lang kami sa mga nagbabantay sa Marawi. Proproblemahin pa nila ang seguridad namin,” ayon kay Honasan.

“Kung pakay lang ay makasama kami sa 6 o’clock news huwag na lang,” dagdag nito.

Kapwa naman sang-ayon ang dalawang senador na ipaubaya sa Malakanyang at sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pasya kung tatapusin nang mas maaga ang pagpapa-iral ng martial law sa Marawi City at sa buong Mindanao.  (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?