42

Jan 4, 2022 @ 20:25
By

Zubiri: Quarantine violator ikulong ng 6 taon, pagmultahin ng P1M

Isang panukala ang inihain sa Senado na naglalayong patawan ng matinding parusa ang mga lumalabag sa quarantine.

Inihain ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang Senate Bill No. 2470 na naglalayong amiyendahan ang Republic Act No. 11332, o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

“As we feared, tumaas na nga nang tumaas ulit ang mga kaso natin ng COVID over the past week. But this is not just from the Christmas rush. For all we know marami pang ibang mga quarantine facilities at individuals ang hindi sumusunod sa ating health and quarantine protocols at nagkakalat ng COVID galing sa ibang bansa,” sabi ni Zubiri sa isang statement.

“We’re filing this bill so we can take these irresponsible individuals and entities to task in the future,” dagdag nito.

Inihain ni Zubiri ang panukala matapos lumabag sa quarantine ang isang Pinay na galing sa United States at nakipag-party sa Makati City. Nagpositibo sa virus kalaunan ang babae at mga kasama nito.

“The bill would amend Section 9 or the Prohibited Acts under R.A. 11332 to include persons engaging in “non-compliance, evasion, or skipping off on mandatory quarantine or isolation” as well as individuals or entities who aid said persons, “such as owners, officials, or employees of quarantine and isolation facilities, government officials and employees, or acted as an accomplice in non-compliance”, sabi ni Zubiri.

Kapag naging batas ito, sinumang lalabag ay pagpatawan ng multang P500,000 hanggang P1,000,000 at pagkakakulong ng isa hanggang anim na taon.

Kung ang isa tao ay nahawa mula sa quarantine violator at nagresulta sa kanyang pagkamatay, pagmumultahin din ito ng P1 milyon at magbabayad din ng civil damages o di kaya’t pagkakakulong ng anim hanggang 12 taon.

“There’s no recovering from this pandemic if people—and quarantine facilities themselves—do not take our health protocols seriously. Knowingly posing a health risk to others is absolutely harmful behavior, and our laws need to reflect that,” ani Zubiri.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?