11

Jan 6, 2021 @ 15:48
By

Zubiri: Pagpapaliban ng PhilHealth contribution hike ikakasa sa Peb. 14

Inihayag ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na plano ng Senado na aprubahan ang panukalang ipapaliban ang dagdag-singil sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) premium contribution sa Pebrero 14.

Ayon kay Zubiri, prayoridad ng Senado sa pagbubukas ng session sa Enero 18 ang mga panukalang inihain ng mga senador para sa suspensiyon ng PhilHealth contribution hike.

“Once the committee report is done, we can finish in plenary within two to three weeks of debate and amendments. I’m looking at passing this hopefully before Valentines to give our people the welcome respite they need during this financially difficult period in their lives,” pahayag ni Zubiri sa isang statement.

“I believe this will have bipartisan support as no one would want to give an additional burden to our people during this extremely difficult time of the pandemic were jobs have been either scarce or lost all together,” dagdag nito.

Subalit nilinaw ni Zubiri na ang pagpapaliban ng dagdag na koleksiyon ay sakop lang ang panahon ng kalimidad at pandemya.

“[The policy] would resume once the situation normalizes and the economy goes back on track so the agency can resume providing a no balance billing policy of the Universal Health Care Law which entails are large amount of financial reserves to implement,” paliwanag ni Zubiri.

“But as of now, let’s put our people’s interest front and center as we await the entry of the badly needed vaccines that can help protect our people from covid and get our economy back to normal,” dagdag pa nito.

Nauna nang naghain si Zubiri, kasama sina Senador Grace Poe, Joel Villanueva, Nancy BInay, Win Gatchalian at Sonny Angara ng Senate Bill No. 1968 na naglalayong amiyendahan ang Universal Health Act, isang hakbang para suspendihin ang naktakdang dagdag sa kontribusyon ng mga miyembro ng PhilHealth.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?