25

By

Zubiri magiging majority leader sa Sotto Senate presidency – Binay

Sharing is caring!

Si Senador Juan Miguel Zubiri ang magiging majority leader ng Senado kapag naging pangulo ng kapulungan si Senador Tito Sotto.

Ayon kay Sen. Nancy Binay, pabor dito ang nakararaming senador dahil kabisado ni Zubiri ang trabaho dahil naging majority leader na ito ng Senado.

Sa naunang panayam, sinabi ni Sen. Manny Pacquiao na hiniling niyang ilagay sa puwestong ito si Zubiri para may lider ng Senado na nanggaling sa Mindanao.

Tubong Bukidnon si Zubiri.

Agad namang nagpasalamat si Zubiri at nangakong gagampanan nang masigasig ang tungkulin kung sakali.

“If chosen, I will perform with the same work ethic as I had in the previous 14th Congress where we passed a record number of bills into law at over 600 Republic Acts,” pahayag ni Zubiri na naging majority leader ng Senado mula 2008 hanggang 2010.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?