86
ABANTE zubiri bbl sure af
By

Zubiri inihalal na bagong Senate Majority Leader

Sharing is caring!

Inihalal ngayon si Senador Juan Miguel Zubiri bilang majority leader.

Binakante ang posisyon ni Vicente “Tito” Sotto III na nahalal na ika-29 na Senate President.

Sa kaniyang acceptance speech, sinabi ni Zubiri na sisipagan niya sa trabaho na dati na niyang hinawakan noong ika-14 na Konggreso.

Sisiguraduhin umano niya ang mabilis na usad ng mga panukalang batas sa Senado at ang mga inaakyat ng Kamara.

Kasama rin sa trabaho niya ang maayos na koordinasyon ng Senado at ng Kamara.

“I am willing to spend long days and nights pushing for these measures, as I did during my first term as Majority Leader. My leadership style is one of not courting controversies and political fights,” ani Zubiri.

“Those who know me, know that I am a consensus-builder, team player and an optimist,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?