9

Jul 26, 2020 @ 19:44
By

Zubiri ilalaban arnis sa 2021 SEA Games

Isa sa maraming nahakot na medalyang ginto ang Pilipinas sa 2019 Southeast Asian

Games na ginanap nitong Disyembre ay ang arnis.

Kaya sisikapin ni Philippine Eskrima Kali Arnis Federation (PEKAF) president Sen. Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri na maisama pa rin ang sport 2021 SEA Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam.

Pero aminado si Zubiri na pahirapan na maipasok ang arnis sa 11-nation, biennial sportsfest.

“Madugo ito, kailangan ng man-to-man ang lobbying para mapasama ang arnis sa Vietnam SEA Games but I’m hopeful,” wika ni Zubiri na lumiham na sa Vietnam para idagdag ang arnis sa kalendaryo.

May 14 sa 20 gold medals na nakataya sa arnis noong 2019 SEAG kung saan nasungkit ng Pinoy squad ang titulo sa laro pati ang overall championship.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?