72

Jun 24, 2018 @ 14:36
By

“Zsa Zsa” wagi sa Ugliest Dog contest

Ang siyam na taong gulang na English bulldog na si Zsa Zsa ang itinanghal ng 2018 World’s Ugliest Dog contest na isinagawa sa San Francisco Bay Area.

Si Zsa Zsa, kasama ang ibang mga kalahok ng aso ay rumampa sa red carpet noong Sabado at binigyan ng grado ng mga hurado.

Ang winner ay nanalo ng $1,500. Pag-aari si Zsa Zsa ni Megan Brainard ng Anoka Minnesota.

Ang event ay isinagawa sa Sonoma-Marin Sonoma-Marin Fairgrounds sa Petaluma.

Ang nanalo noong 2017 ay ang 125-pound na si Martha, isang neopolitan mastiff.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?