186

Apr 16, 2020 @ 16:07
By

Zsa Zsa, pasok sa American TV show

Bongga ang aktres na si Zsa Zsa Padilla.

Nakabingwit kasi siya ng role sa American TV crime series na “Almost Paradise” kung saan ginampanan niya ang karakter na si Governor Rosales.

Proud itong binahagi ng aktres sa kanyang Instagram account sa pagpo-post ng latest episode ng show na kinunan sa Cebu City.

Pinasalamatan ni Zsa Zsa ang makeup artist na si Varda Atienza para sa kanyang look at picture maging ang RSB Scripted Formats ABS-CBN na siyang nag-audition sa kanya para sa role.

Sa kanyang Instagram Stories ay proud ding inihayag ni Karylle ang pagkakapasok ng kanyang mommy sa show.

“Look at my mom!!! She is making her American TV debut in her 50s. She is sooooo astig,” ani Karylle.

Ang “Almost Paradise” ay nilikha ng Filipino-American director na si Dean Devlin.

Kuwento ito ng isang dating Drug Enforcement Administration agent na nanirahan sa Cebu matapos magretiro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?