63

By

Zsa Zsa, Conrad sa Italy pakakasal

Sharing is caring!

Sa event ni Dra. Vicki Belo ay bumati sa amin ni Manay Lolit si Zsa Zsa Padilla. Binati ko si Zsa Zsa dahil 35 years na pala siya sa showbiz.

Si Manay Lolit naman, ang kinulit-kulit kay Zsa Zsa ay ang tsikang nalalapit nilang wedding ng fiancé na si Architect Conrad Onglao.

“Basta, invite mo ako sa wedding n’yo ni Conrad. Gusto ko pumunta roon. Invite mo lang ako, ako na ang gagastos,” pangungulit ni Manay Lolit kay Zsa Zsa at pangiti-ngiti lang ang singer/actress at umalis na pala bumati naman sa ibang mga naroroon.

Nang mag-ikot-ikot kami ni Manay Lolit, nakasalubong na naman namin si Zsa Zsa at kinulit na naman niya ito, “Basta, invite mo ako, ako talaga ang gagastos!”

Inusisa ko naman si Manay Lolit kung bakit siya gagastos? Saan ba ang kasal nina Zsa Zsa at Conrad?

“‘Di nga ba, sa Italy raw ang kasal, so, gusto ko talagang pumunta roon kesehodang ako na ang gumastos sa pamasahe ko at tutuluyan. Gusto ko lang talaga na pumunta sa Italy at um-attend sa wedding nila ni Conrad!” tsika pa ni Manay Lolit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?