388

Dec 27, 2017 @ 13:31

Zsa Zsa at BF, nag-bonding sa Japan

Kandidata na sa kasal si Zsa Zsa Padilla para sa susunod na taon base sa tatag ng relasyon nito sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Nakatulong kay Zsa Zsa at sa boyfriend nito ang hiwalayan nila ng halos isang taon para malaman nila kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

Mararamdaman naman sa mga posting ni Zsa Zsa na mas masaya siya ngayon sa estado nila ng kasintahan.

Kung noong bago-bago pa lang ang relasyon nila, madalas nang mag-post si Zsa Zsa ng mga photo opt nila ni Conrad, ngayon ay nagsisimula na uling mag-upload ng photo nila together ang singer-actress.

Matapos ang ilang buwan, muling ipinasilip ni Zsa Zsa ang selfie photo together nila ni Conrad.

Nagbabakasyon sa Japan ang magkasintahan para sa kanilang holiday vacation. Hindi binanggit ng Divine Diva na kasama niya si Conrad sa travel na ito sa mga unang photo posting niya.

Ngayon lang nakumpirma ng kanyang mga followings na magkasama sila ng boyfriend niya.

Madalas namang kasama ni Zsa Zsa si Conrad sa mga travel abroad niya, ayaw lang ipakita ng singer-actress ang presence ng kasintahan dahil gusto niyang mas maging private ang kanilang relasyon sa pagkakataong ito.

Pero si Zsa Zsa na mismo ang nagbigay ng ideyang magkaroon sila ng couple photo sa travel nilang ito para sa IG.

@zsazsapadilla, “Sabi ko…dapat may kuha tayo para may memories sa Osaka! Halata ba kung nasaan kami?! Kalerks. Hihihi #plainfailed #christmasvacation. Mas fail naman yung sa Glico billboard.”

Marami ang matutuwa kung makikita ng kanyang mga friends, family and supporters si Zsa Zsa na lumalakad sa loob ng simbahan sa kanyang kasal. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?