405

Sep 26, 2017 @ 17:05

Zoren, todo-higpit sa pera sa mga anak!

Nakakatuwang makitang teenagers na ang kambal nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel na sina Cassy at Mavy Legaspi. Both are 16 years old at ayon sa kanilang celebrity parents, marami na raw silang gustong gawin dahil nasa age na raw ang mga ito na dumarami na ang kaibigan nila at curious na sila sa maraming bagay.

Bilang mga magulang, gusto makasiguro nila Zoren at Mina na protektado nila ang kambal.

“Nasa age na kasi sila na gusto nilang makasama ang mga kaibigan nila. Dumaan naman ako ganyang edad, kaya sige, pinapayagan namin ng tatay nila.

“Hindi naman kasi mawawala iyong interaction nila with their friends and classmates sa school. Gusto nga nila, lahat ng Sweet 16 party ng mga friends nila puntahan nila,” sey pa ni Mina.

Si Zoren ang pinakastrikto pagdating sa paggastos ng kambal. May sariling budget daw sina Cassy at Mavy dahil sa mga endorsements na ginawa nila. Gusto lang ni Zoren na maging wise sila sa paggastos ng pera nila.

“They have their own money. Kapag naubos nila ‘yon sa kaka-shopping nila, bahala sila kasi hanggang doon na lang iyon. They have to wait kung kelan ulit namin sila bibigyan.

“We don’t want them to grow up na masyadong spoiled or privileged kasi hindi madaling kitain ang pera.

“Kaya kami ni Mina, tinuruan namin silang maging wise at praktikal sa buhay. Hindi porke’t may pera ka, uubusin mo na agad-agad.”

Kaya naman may percent sa talent fees nila Cassy at Mavy ang tinatabi nila Zoren at Mina para itago for investments para sa kinabukasan ng kambal. Nadagdagan ulit ng endorsement ang Legaspi Family dahil sila ang kinuha ng CitiDrug bilang representative ng kanilang brand for the Filipino family. (RUEL MENDOZA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?