46

Feb 27, 2021 @ 20:42
By

Zoo worker patay sa hataw ng elepante

Todas ang isang empleyado ng zoo matapos umanong maburyong ang isang elepante na kanyang inaalagaan.

Ayon sa CNN report, tumalsik sa mga bakal ng kulungan si Joaquin Gutierrez Arnaiz, 44, nang hatawin ng trunk o mahabang ilong ng babaeng elepante na may bigat na mahigit apat na tonelada sa Cabarceno Natural Park sa Cantabria, Spain noong Miyerkoles.

Naitakbo pa si Arnaiz sa Marques de Valdecilla University Hospital ngunit nasawi rin dahil sa tinamong injuries.

Bago ang insidente ay naglilinis umano ang staff sa compound ng mga elepante at minomonitor kung gumagaling na ba ang impeksyon sa paa ng salarin na elepante.

Sabi ni Cantabria Tourism Minister Francisco Javier Lopez, posibleng buryong ang naturang elepante dahil sa kanyang impeksyon sa paa at marahil ay buntis pa ito.

Kasama rin daw ng elepante ang kanyang supling nang mangyari ang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?