158

By

Zombie movie ng JoshLia hitik sa aksyon

Pinasilip na ng ABS-CBN ang unang teaser ng upcoming Star Cinema zombie movie na “Block Z” na pinagbibidahan nina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Makikita sa trailer ang puno ng aksyon na pelikula.

Hindi naman batid pa kung kailan ito maipapalabas sa mga sinehan.

Idinirek ito ni Mikhail Red na siya ring nanguna sa “Birdshot” at “Eerie” movies.

Kasama sa pelikula sina Ian Veneracion, Ina Raymundo, Maris Racal, Mccoy de Leon at Dimples Romana.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?