47

Feb 24, 2020 @ 19:53
By

Zion binully ang Warriors

Hindi basketball ang ginawa ni Zion Williamson sa San Francisco nitong Linggo.

Bully ball.

Binully niya ang Golden State Warriors, pinagwasiwasan sa pagkolekta ng 28 points para ihatid ang New Orleans Pelicans sa 115-101 panalo.

Sa isang play, ginamit ng Pelicans rookie ang laki at lakas ng katawan nang habulin ang sariling mintis, hinablot ang rebound na dapat ay sa Warriors na, para ibalik sa basket ang bola.

Tumapos si Williamson ng 28 points at 7 rebounds, nagdagdag si Jrue Holiday ng 23 points, 7 rebounds at 15 assists.

Angat sa 25-32 ang Pelicans, nasa 10th place sa Western Conference. Tatlong laro na lang ang naghihiwalay sa kanila ng Memphis Grizzlies para sa last playoff slot.

Wala sa first half ng season dahil sa knee injury si Williamson, pero sa 11 laro pa lang ay maingay na ang average niyang 22.4 points at 7.2 assists per game. Impresibo dahil limitado pa ang playing time na 27.6 minutes.

Ikinumpara ni Golden State coach Steve Kerr ang 19-anyos na top pick kay Charles Barkley sa estilo ng laro, pareho raw silang one-man wrecking crew.

“Probably Charles Barkley,” sagot ni Kerr nang matanong kung sino ang unang sasagi sa isip niya sa laro ni Williamson. “If you look back at Charles when he was in his prime. That kind of explosiveness with the strength, the ability to kind of get downhill, be a one-man wrecking crew.”

Sakaling makapasok sa playoffs ang Pelicans, malakas pa ang laban ni Williamson sa Rookie of the Year.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?