62

May 9, 2020 @ 15:58
By

Zia susunod na Darna

Hindi na kailangang magpa-audition pa sakaling magkaroon ng panibagong version ng Darna sa mga susunod na taon.

Ito’y dahil lumapag na sa Pilipinas ang pinaka-cute na Darna sa katauhan ng anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Paniguradong mini me ni Marian si Zia, na dati nang gumanap na ‘Darna’ noong 2009.

“May pa early Mother’s day pakulo itong si Ate Zia! Familiar ba ang mga look?” sey ni Marian.

Kahit ang dating nagsubo ng bato na si Angel Locsin ay aprub din kung si Zia ang maging susunod na Pinay superhero.

“Cutie! Mukhang may susunod na Darna ah!” pakli ni Angel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?